Unnamed Player: Ang tanga tanga mo! ***** Wag ka na mag laro ng <insert game here>!
Unnamed Player#2: Nag skin ka pa! ***** mo naman!
Unanmed Player #3: vovo mo wag ka na mag <insert game here>!
It’s natural to experience players like these specially on team competitive games. Either you’re playing League of Legends, Dota 2, Vainglory or even sim-strat titles. Hindi nakakatuwang kalaro yung mga taong magkamali ka lang ng maliit, kulang nalang sunugin sa impiyerno ang kaluluwa mo sa tindi at sa dami ng murang ibabato sayo.
Sadly, normal nang makaexperience ng mga players na ang hilig mag mura sa pagakamali ng iba. Either ikaw yung mismong magaling mamuna or murahin ang iba. Yung tipong, players na napatay mo yung isang creep lang sa lane eh automatic ang sasabihin sayo eh “****** ang vovo mong support” or hindi kaya makukuha mo eh “******* nasan ka na? Iniwan mo ko ***** ka!”.
In the long run, tingin ba natin na nakakatulong tong ganitong ugali online? Hindi ba mas gaganahan ka kung ganito marining mo sa kakampi mo:
Chill Player: Okay lang pre, bawi mamaya
Pero yung usual na reaction eh:
Toxic Player99999: ****** ka ***** mo! Wala kang silbi!
Hindi ba’t nakakaimbyerna yung players mas marumi pa sa imburnal yung bibig kung makapag chat sa simpleng misplays?
I remember a verse in the bible that says:
A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger. – Proverbs 15:1
So napapaisip nalang ako na paano kung imbis na murahin ako ng kakampi ko eh, kinausap nalang ako ng maayos? Kung sakali eh mas gaganahan pa akong ayusin at bumawi imbis na babuyin ko nalang yung huling mga minuto ng laban.
May mga times talaga off day ako. Yung mga araw na talagang sobrang sablay mga diskarte ko. Usually, pag toxic yung kakampi ko sinasadya kong hindi ayusin ang laro ako pag nagkamali ako. What’s more, tapos na nga yung moment na nagkamali ka, at nakabawi ka na eh ikaw parin ang puntirya ng mura. So ang gagawin ko nalang eh, imumute ko yung toxic na player na yun at mananadya akong hindi ko iheaheal, or tutulungan sa clash. On purpose ko siyang pespestehin lalo para mabadtrip pa siya, tutal hindi ko narin na siya nababasa.
Kung ako ganun, pano pa kaya kayo no?
Subukan kaya natin na imbis mura or trash talk ang ibato natin sa kakampi nating magkamali, eh gentle answer nalang, na bawi nalang ulit? Hindi ba mas masaya na imbis na mabilang tayo sa mga toxic na players sa laro na minamahal natin, eh mas mainam na mabilang tayo dun sa mga iilan na matino kausap.
Hindi lang maganda yun sa community as a whole, at least, hindi na tayo mababadtrip after ng mga laro natin di ba?
#nototoxicplayers #spreadtheloveonline